Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Alyson Kieda

Pambihirang Kaibigan

Madalas magpost sa Facebook ng mga video ang kaibigan ko. Mga pambihirang pagkakaibigan ng magkaibang hayop ang ipinopost niya. Mapapanood mo ang hindi mapaghiwalay na aso at baboy. At maging ang isang unggoy na inaalagaan ang isang batang tigre.

Nang mapanood ko ang mga iyon, naalala ko ang Hardin ng Eden na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Maayos at payapang…

Kagalakan

Palapit na ang panahon ng aking pagreretiro dahil sa katandaan. Parang napakabilis ng takbo ng panahon at gusto kong pabagalin ang oras. Masaya kasi ako at nagagalak sa nangyayari sa aking buhay. Ang bawat araw ay bigay sa akin ng Dios na siyang nagpapasaya sa akin. Kaya naman, masasabi ko ang sinabi sa Awit, “Kataastaasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat…

Mahal tayo ni Jesus

Noong mga bata pa kami ng kapatid kong si Maysel, lagi niyang kinakanta sa sarili niyang paraan ang isang kilalang awiting pambata. Naiinis ako dahil iniiba niya ito. Ganito niya ito inaawit,“Mahal ako ni Jesus, alam ko ito, ‘pagkat ito ang sinasabi ng Biblia kay Maysel.” Sigurado ako bilang mas nakatatanda at mas maraming alam kaysa sa kanya na ang…

Dakilang Pagmamahal

Minsan, inuwi namin sa aming bahay ang mahigit isang taong gulang naming apo na si Moriah. Iyon ang unang beses na matutulog siya sa amin na hindi kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid. Dahil doon, sa kanya lang namin naibuhos ang lahat ng atensyon at pagmamahal noong araw na iyon. Sinamahan namin siyang maglaro at ginawa namin ang mga gusto niyang…

Nakaraan

Minsan, napakinggan ko ang isang kanta tungkol sa isang taong sumulat para sa kanyang sarili na nasa nakaraang panahon. Sabi sa kanta, “Kung makakabalik ka sa nakaraan na dala ang lahat ng mga natutunan mo sa kasalukuyan, ano kaya ang sasabihin mo sa iyong mas batang sarili?” Napaisip tuloy ako kung anong mga payo at babala ang sasabihin ko sa sarili…

Paraiso

Habang nakadungaw sa bintana, nakikita ko ang pagsabay ng mga puno sa ihip ng hangin, ang masaganang bukid ng aking kapitbahay at ang maaliwalas na langit. Naririnig ko rin ang masayang paghuni ng mga ibon.

Nasisiyahan ako dahil parang nasa paraiso ako noong mga panahong iyon. Nasira lang dahil sa walang tigil na ingay ng mga sasakyan at dinagdagan pa ng…

Mapapalitan ng Kagalakan

Hindi naging madali ang panganganak ni Kelly dahil sa mga kumplikasyon. Pero nakalimutan na niya ang naranasan niyang paghihirap nang mahawakan niya ang bagong silang niyang anak. Napalitan ng tuwa ang kanyang paghihirap.

Pinatotohanan ito sa Biblia, “Kapag manganganak na ang isang babae, siya'y nalulungkot sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghihirap. Ngunit pagka-panganak niya, nakakalimutan na niya ang kanyang…

Isuot Ninyo

Sinabi ni Lauren Winner sa isinulat niyang librong, Wearing God, maipapakilala natin sa iba kung sino tayo sa pamamagitan ng ating pananamit. Kahit hindi tayo magsalita, malalaman ng iba kung ano ang ating trabaho, estado sa buhay at maging ang ating pakiramdam dahil sa mga isinusuot natin. Totoo rin ito sa ating mga sumasampalataya kay Jesus. Maaari nating maipakilala si Jesus…